TAMALIS : Rice Delicacies
"Masarap balik-balikan ang mga pagkaing probinsya". Ito ay isang uri ng kakanin na kung tawagin ay "tamalis" na popular sa lalawigan ng Batangas, bayan ng San Juan. Ito ay mula sa malagkit na bigas na niluto at pagkatapos ay ibinalot sa dahon ng saging na inihugis na parisukat. Ito ay sa pamamgitan ng malaking kawali na niluluto sa mahinang apoy sa loob ng isang oras o higit pa. Masarap isama sa kakaning ito ang niyog at asukal na isinangag sa mahinang apoy hanggang sa maging malutong. Ito ay kadalasang makikita sa mga okasyon at handaan. Masarap itong kainin dahil sa malambot na tekstura at isama pa dito ang malutong at matamis na lasa ng pinalutong na laman ng niyog. Ito ay paboritong iuwi ng mga bakasyonista pabalik ng maynila dahil sa kakaibang lasa nito at tanging sa probinsya lamang matatagpuan.
No comments:
Post a Comment